Recent Posts

Breaking News

3 pang lindol umuga sa Davao Occidental

Matapos ang magnitude 6.3 na lindol, tatlo pang malalakas na lindol ang yumanig sa Sarangani, Davao Occidental mula kahapon hanggang kaninang madaling-araw.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.1 na lindol noong alas-4:51 ng hapon at magnitude 4.2 na lindol naman, alas-10:17 ng gabi, parehong noong Setyembre 9.

Samantala, alas-2:46 ng madaling-araw naman ngayong araw ay naganap ang magnitude 4.3 na pagyanig sa Sarangani, Davao Occidental.

Ang lalim ng pagyanig, ayon sa pagkakabanggit, ay umabot sa 4 kilometro, 3 km, at 7 km.

Ang naturang mga lindol, sabi ng Phivolcs, ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala o kasunod na lindol.

The post 3 pang lindol umuga sa Davao Occidental first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-pang-lindol-umuga-sa-davao-occidental/)

Walang komento