Recent Posts

Breaking News

223 pang pulis sapol ng COVID-19

Nadagdagan ng 223 ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na dinapuan ng coronavirus disease 2019.

Batay sa PNP Health Service, 96 sa bagong mga kaso ay naitala mula sa National Operational Support Units, sumunod sa Police Regional Office (PRO) 3 (Central Luzon) (61); National Capital Region Police Office (NCRPO) (19); National Headquarters at PRO 4-A (Calabarzon) na may tig-14; National Administrative Support Unit (9); PRO 5 (Bicol) (6) at PRO 6 (Western Visayas) (4).

Dahil dito umakyat sa 4,785 total COVID tally ng PNP.

Sa kabila nito, nakarekober na ang 3,337 PNP personnel habang nanatili sa 16 ang death toll. (IS)

The post 223 pang pulis sapol ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/223-pang-pulis-sapol-ng-covid-19/)

Walang komento