Recent Posts

Breaking News

2 pa sapul ng virus sa Kamara

May pang-77 at pang-78 na kaso na ng COVID-19 sa House of Representatives.

Ayon kay House secretary-general Jose Luis Montales ngayong Biyernes, ang una ay lalaking miyembro ng security staff na huling pumasok sa trabaho noong Setyembre 7 at 9. Na-test ito sa virus matapos makaranas ng diarrhea, pananakit ng katawan, at lagnat.

Samantala, ang ikalawang bagong pasyente ay mula sa Legislative Library Service na work-from-home simula pa Hulyo 24.

“She experienced symptoms after taking care of her brother who was confined at a hospital due to some injuries,” ayon pa kay Montales.

The post 2 pa sapul ng virus sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pa-sapul-ng-virus-sa-kamara/)

Walang komento