Recent Posts

Breaking News

2 lindol umuga sa Davao Occidental

riley cea

Ilang oras lang ang pagitan ng dalawang malakas na lindol na yumanig sa Sarangani, Davao Occidental.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 4.1 na lindol noong alas-11:51 ng gabi, Setyembre 15, at ang magnitude 4.0 na lindol nang alas-2:41 ng madaling-araw ngayong Setyembre 16.

Ang lalim ng pagyanig, ayon sa pagkakabanggit, ay umabot sa 28 kilometro, at 79 kilometro.

Ang nasabing mga lindol, ayon sa Phivolcs, ay hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ni kasunod na lindol.

The post 2 lindol umuga sa Davao Occidental first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-lindol-umuga-sa-davao-occidental/)

Walang komento