Recent Posts

Breaking News

2 ex-pulis inambus sa Leyte, todas

Dedo ang dalawang dating pulis, pati ang kanilang dalawang kasama matapos silang tambangan sa Palo, Leyte, Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dennis Monteza at Constatinto Torre, parehong retiradong pulis, kasama pa sina Ian Cabrido at Maritess Pami, magka-live-in.

Ayon sa report, nakasakay sa SUV ang apat nang bigla na lang silang harangin sa Brgy. Libertad.

Doon na umano sila pinapatukan ng mga suspek at dineklarang dead-on-arrival sa Leyte Provincial Hospital.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang naturang insidente, ngunit ayon sa hepe ng Palo police ay isa sa mga sakay ng SUV ay sangkot sa iligal na droga.

The post 2 ex-pulis inambus sa Leyte, todas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-ex-pulis-inambus-sa-leyte-todas/)

Walang komento