Recent Posts

Breaking News

2 bagong istasyon sa LRT-2 magagamit na sa 2021

Hanggang ngayong buwan ay nasa 92.14 porsiyentong kumpleto na raw ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) East Extension Project, ayon sa Department of Transportation kahapon.

Dagdag ng DOTr, Setyembre 16, target nilang maging fully operational na ang dalawang bagong istasyon sa paglulunsad nito sa Abril 2021.

Ang tinutukoy ay ang Emerald station sa Marikina City, at ang Masinag station sa Masinag Junction, Antipolo City.

Layon ng East Extension Project na pagsilbihan ang dagdag na 80,000 pasahero kada araw bukod sa arawang ridership ng LRT-2 na 240,000 pasahero noong pre-pandemic.

Inaasahan ding pagkatapos nitong 3.8-kilometer railway extension project, mula tatlong oras na biyahe sa bus o jeep ay bababa ang tagal ng biyahe mula Recto patungong Masinag sa 40 minuto.

The post 2 bagong istasyon sa LRT-2 magagamit na sa 2021 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-bagong-istasyon-sa-lrt-2-magagamit-na-sa-2021/)

Walang komento