Recent Posts

Breaking News

1st time in 7 years! Taylor Swift kakanta sa country awards show

SDC

Magtatanghal si Taylor Swift sa Academy of Country Music Awards bukas, ang una niyang performance sa country awards show sa loob ng pitong taon.

Kakantahin niya ang awit na “Betty” sa Grand Ole Opry House sa Nashville, Tennessee sa US.

“Bout to show up at your party @acmawards,” caption pa ni Swift.

Ieere ang ACM Awards sa CBS alas-otso ng umaga bukas, Setyembre 17 (PH time).

Sa ngayon, 9AM ng Miyerkoles, Top 1 trend sa Twitter PH ang “BETTY IS COMING”.

The post 1st time in 7 years! Taylor Swift kakanta sa country awards show first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1st-time-in-7-years-taylor-swift-kakanta-sa-country-awards-show/)

Walang komento