Recent Posts

Breaking News

19 Immigration official kinasuhan, Hontiveros nagalak

Malugod na tinanggap ni Senador Risa Hontiveros ang balitang sinampahan na ng kaso ang 19 immigration officials kaugnay sa “pastillas” scam na hinayaang iligal na pumasok ang mga Tsino sa Pilipinas.

Pinangunahan ni Hontiveros, bilang chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, ang mga legislative inquiry ukol sa scam kung saan pumapasok sa bansa ang mga iligal na Chinese worker na nagpapanggap na turista. Nagbabayad ang mga ito nang P10,000 pampadulas o grease money para makapasok sila kahit walang wastong work visa.

“Hindi pwedeng maging pugad ang ating bansa ng mga krimen mula sa ibang bansa na ipagpapatuloy dito sa ating sariling bansa. At hindi sapat na ilantad lang ‘yung mga gumagawa ng krimeng ito,” sabi ng senador sa ANC, Miyerkoles.

“Accountability pa rin. ‘Yung dapat managot ay dapat panagutin,” aniya pa.

Bunga aniya ito ng pagsasalita ng mga saksi na biktima ng mga krimeng kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator firms gaya ng human trafficking, prostitution, at illegal detention.

“Also this was the fruit of those young women, mga menor de edad, who were also rescued on a raid on an illegal POGO establishment, who had been victimized by prostitution for this Chinese-only POGO companies,” ani Hontiveros.

“Yung pastillas scheme illegally allowed the entrance of Chinese nationals in the country, leading to the spike in different POGO-related crimes like human trafficking, prostitution, illegal detention at ito ngang pag-corrupt mismo ng ating Bureau of Immigration,” saad pa niya.

Una nang napakita sa datos ng pulisya na dumoble ang gambling-related incidents ng kidnapping na sangkot ang mga Tsino: mula 16 noong 2018 patungong 38 noong 2019.

Giit naman ng Chinese embassy, “isolated cases” lang ang mga krimen at iligal na aktibidad ng mga Tsino sa ‘Pinas.

The post 19 Immigration official kinasuhan, Hontiveros nagalak first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/19-immigration-official-kinasuhan-hontiveros-nagalak/)

Walang komento