Recent Posts

Breaking News

18 katao kada araw ginahasa noong quarantine

18 ang average na bilang ng mga indibidwal na hinalay sa bansa bawat araw sa panahon ng community quarantine.

Setyembre 1, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na 3,016 katao nationwide ang pinagsamantalahan mula Marso 17 hanggang Agosto 31.

Higit doble ito kaysa sa naitalang walong rape case kada araw noong Mayo, nang isailalim sa modified lockdown ang Metro Manila at ilan pang sulok ng bansa.

Hindi tinukoy ng PNP ang mga lugar na may naitalang pinakamaraming kaso, at kung may mga rape victim na menor de edad.

Samantala, ang kabuuang datos ay mas mababa nang 26.09 porsiyento kumpara sa 4,081 naitalang kaso mula Oktubre 1, 2019 hanggang Marso 16 o bago ipatupad ng gobyerno ang anti-coronavirus quarantine. Ibig sabihin, may average na 24 biktima kada araw pre-quarantine.

The post 18 katao kada araw ginahasa noong quarantine first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/18-katao-kada-araw-ginahasa-noong-quarantine/)

Walang komento