Recent Posts

Breaking News

1,500 Pinoy sa UAE nakilahok sa bakuna trial ng Chinese company

Mahigit 30,000 ang nagboluntaryo para sa Phase 3 clinical trial ng COVID-19 vaccine na gawa ng isang Chinese company sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, kabilang sa mga volunteer ang may 1,500 Pilipino sa UAE.

“Around 1500 Filipinos among more than 30,000 volunteers have participated in the phase-III clinical trial of Sinopharm’s COVID-19 vaccine candidate in the United Arab Emirates since June 23, and that the above-mentioned trial is the world’s first phase-III clinical trial of COVID-19 vaccine,” ani Huang.

Maliban sa UAE ay nagpapatuloy din ang mga pagsubok sa bakuna laban sa COVID-19 sa Bahrain, Argentina, Peru, Morocco at iba pa.

Tiwala si Huang na magkakaroon na ng bakuna kontra COVID sa katapusan ng Disyembre.

The post 1,500 Pinoy sa UAE nakilahok sa bakuna trial ng Chinese company first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1500-pinoy-sa-uae-nakilahok-sa-bakuna-trial-ng-chinese-company/)

Walang komento