Recent Posts

Breaking News

15 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon

15 ang naganap na lindol mula sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Linggo hanggang ngayong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nagpakawala rin ang bulkan ng katamtamang usok na umabot sa 400 metro ang taas.

Naglabas din ito ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana o surface ng bulkan, sa average na 686 tonelada kada araw noong Setyembre 7.

“These parameters may indicate hydrothermal or magmatic processes occuring beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa 8AM bulletin nito, Setyembre 14.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan pa rin itong kalagayan at hindi nangangahulugang huminto o naglaho na ang banta ng pagputok.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Kanlaon, dahil maaari anilang maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas, lalung-lalo na sa kapaligiran.

The post 15 lindol naitala sa Bulkang Kanlaon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/15-lindol-naitala-sa-bulkang-kanlaon/)

Walang komento