Recent Posts

Breaking News

13 lindol naitala sa Bulkang Taal

13 ang naganap na lindol mula sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras mula Lunes hanggang ngayong Martes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bukod dito, nagpakawala rin ang bulkan ng “weak steaming” o “fumarolic activity” (usok) na umabot sa 5 metro ang taas.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa alangan pa rin itong kalagayan at hindi nangangahulugang huminto o naglaho na ang banta ng pagputok.

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa Permanent Danger Zone o PDZ ng Bulkang Taal, dahil maaari anilang maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas, lalung-lalo na sa kapaligiran.

The post 13 lindol naitala sa Bulkang Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/13-lindol-naitala-sa-bulkang-taal/)

Walang komento