Recent Posts

Breaking News

10 lindol naramdaman sa Taal Volcano

Nasa 10 volcanic earthquake ang naganao sa Taal Volcano base sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas alas-otso ng umaga nitong Lunes, Setyembre 7, naobserbahan din nila ang steaming o fumarolic activity na may 10 metro ang taas mula sa main crater ng bulkan.

Nananatili pa rin sa alert level 1 (abnormal) ang Taal Volcano.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng alert level 1 ay puwedeng magkaroon ng biglaang phreatic explosion, volcanic earthquake, minor ashfall, at pagbubuga ng volcanic gas ang naturang bulkan.

Ayon sa Phivolcs, mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tao sa permanent danger zone ng Taal Volcano, lalo na sa bisinidad ng main crater nito at sa Daang Kastila fissure.

The post 10 lindol naramdaman sa Taal Volcano first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/10-lindol-naramdaman-sa-taal-volcano/)

Walang komento