Recent Posts

Breaking News

1 pang Parojinog pumanaw din

Dalawang araw matapos mamatay ng kanyang kapatid, yumao rin ang isa pang miyembro ng pamilya Parojinog na nakakulong: si Melodina Parojinog Malingin.

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Camilo Cascolan ngayong Lunes ang pagkamatay ni Melodina noong Linggo ng umaga.

Napaulat na parehong namatay dahil sa kondisyon sa puso ang magkapatid, na parehong akusado na sangkot sa iligal na droga.

Sinugod si Melodina sa ospital noong Setyembre 5 ng gabi matapos maglabas ng itim na tae. Ayon sa jail guard na nakatalaga sa ospital, pumanaw si melodina alas-7:45 ng umaga, Setyembre 6, habang nasa intensive care unit.

Ayon sa mga attending physician sa MHARS Medical Center sa Ozamiz City, ang sanhi ng pagkamatay nito ay “cardiogenic shock secondary to intractable cardiac arrhythmia atrial fibrillation to ventricular tachycardia.”

Samantala, Setyembre 4 ay natagpuang patay sa loob ng kanyang detention cell sa Ozamiz City police station si dating Ozamiz City councilor Ardot Parojinog. Dapat dadalo ito ng hearing.

Ayon sa pulisya, ang sanhi ng pagkamatay ni Ardot ay cardiopulmonary arrest.

Ang dalawa ay kapatid ni dating Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr. na pinaslang kasama ang 15 iba pa sa isang police raid sa pag-aari ng pamilya Parojinog noong Hulyo 2017.

Sa raid naaresto ang mga anak ni Reynaldo na sina dating vice mayor Nova Parojinog at Reynaldo Parojinog, Jr.

The post 1 pang Parojinog pumanaw din first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-pang-parojinog-pumanaw-din1/)

Walang komento