Recent Posts

Breaking News

1 buwan matapos ang pagsabog, higanteng sunog nagliyab sa Lebanon

Binalot ng itim na usok ang Port of Beirut sa Lebanon matapos sumiklab doon ang isang malaking apoy.

Naganap ang pagliyab sa isang oils and tires warehouse sa duty-free market ng Beirut port, Setyembre 10.

Napaulat na malapit ito sa lugar kung saan nag-iimbak ng pagkain at cooking oil ang isang aid agency.

Ilang oras na sinagupa ng mga bumbero at sundalo ang naturang apoy. Ayon pa sa BBC News, gumamit pa ng mga helicopter para sabuyan ito ng tubig at maapula.

Sa ngayon, walang naitalang namatay o nasugatan mula sa apoy.

Inaalam pa rin ng awtoridad ang sanhi ng sunog.

Nangyari itong sunog isang buwan makalipas ang malakas na pagsabog sa parehong lugar, Beirut Port, na kumitil ng halos 200 katao.

The post 1 buwan matapos ang pagsabog, higanteng sunog nagliyab sa Lebanon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-buwan-matapos-ang-pagsabog-higanteng-sunog-nagliyab-sa-lebanon/)

Walang komento