Recent Posts

Breaking News

Yorme Isko: Baka mina-mindset na tayo ng mga ‘yan

Dapat pa ring bantayan ang soberanya ng bansa kahit nananalasa ang pandemyang coronavirus.

Sabi ito ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Biyernes.

“Kahit nasa gitna tayo ng pandemya, hindi ko palalagpasin ang isyu ng panghihimasok sa ating soberanya,” tweet ni yorme.

“Baka mina-mindset na tayo ng mga yan. Magulat na lang tayo, kung sino-sino na ang nasa bakuran natin. Magulat na lang tayo, iba na ang sagot ng mga bata sa Araling Panlipunan,” dagdag niya.

Pinasara ng Manila city government ang 4 gusali ng Elegant Fumes Beauty Product Inc. o EFBPI.

Naging viral ang nasabing kompanya sa Binondo dahil sa isa nilang cosmetic product na may label na probinsya ng People’s Republic of China ang Maynila.

Sabi ng lokal na gobyerno, lumabag ang EFBPI sa ilan nilang ordinansa kabilang ang Consumer Act, Food and Drug Administration Act, at online selling na walang kaukulang permit.

Pinade-deport din ng alkalde ang dalawang Chinese national na may-ari ng kompanya.

The post Yorme Isko: Baka mina-mindset na tayo ng mga 'yan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/yorme-isko-baka-mina-mindset-na-tayo-ng-mga-yan/)

Walang komento