Recent Posts

Breaking News

WNBL, NBL mga pro league na

Ganap nang mga professional league ang Women’s National Basketball League at National Basketball League base sa basbas ng Games and Amusement Board (GAB) nitong Miyerkoles.

Dahil rito, ang WNBL ang magiging unang women’s pro basketball league sa bansa.

May pitong koponan sa kasalukuyan ang WNBL kung saan naglalaro sina national cagers Janine Pontejos, Afril Bernardino at Gemma Miranda.

Ang NBL naman ang ikalawang men’s pro hoops league kasunod ng Philippine Basketball Association (PBA). (Janiel Abby Toralba)

The post WNBL, NBL mga pro league na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wnbl-nbl-mga-pro-league-na/)

Walang komento