Recent Posts

Breaking News

Win sa Meralco: P300M multa bayaran, ‘wag nang labanan!

Mas makabubuting magbayad na lang ang Meralco ng multa sa halip na ilaban pa ang desisyon ng Energy Regulatory Commisison (ERC) na pinagmumulta sila dahil sa kabiguang magpaliwanag hinggil sa ‘bill shock’ sa panahon ng COVID-19 lockdown, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

“Hindi ho pwede [ilaban], nasa loob na ito ng resolusyon ng ERC,” pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy, sa panayam sa DZBB.

Ayon kay Gatchalian, kakarampot lang ang ipinataw na multa ng ERC sa Meralco kaya’t hindi na nila dapat na i-contest pa dahiul nagdulot naman ito ng perwisyo sa libo nilang mga kustomer.

“Kuntento ako na mabilis yung resolusyon at nagkaroon ng pagmulta, kuntento tayo na kaagad na pinakinggan yung mga hinain ng ating konsyumers, yung mga nalito dahil lahat tayo ay nalito at pinakita natin yung doon sa pagdinig,” ani Gatchalian.

“Yung multa na 19 million sa unang pagtingin ay kakarampot, ang 19 million wala pa yata sa kalingkinan po ng Meralco, hindi equivalent yung kanilang penalty sa naranasan ng ating consumers,” dagdag pa nito.

Kung tutuusin aniya, batay sa resolusyon ng ERC, aabot sa P300 milyon ang kabuuhang multa ng Meralco dahil sa kanilang kontrobersiyal na ‘shock bill’.

Ito’y dahil inatasan din ng ERC ang Meralco na magbigay ng diskuwento sa mga lifeline o iyong mga konsumer na maliit lang ang konsumo ng kuryente kada buwan.

“Pero binasa ko yung resolusyon, at meron doon na magbibigay ng diskwento sa mga lifeline, ito yung pinaka mailiit na consumers ng ating bansa. Ito ay about 2.7 million consumers sa Meralco franchise at sabi doon bibigyan sila ng diskwento na nagkakahalaga ng almost 1.9 pesos per kWh,” paliwanag ni ni Gatchalian.

“Sa unang tingin, 19 million ang penalty pero dinagdag ito ng ERC kaya lumalabas na halos 300 million yung ilalabas ng Meralco na may katungkulan dito sa paglabag sa direktiba ng ERC,” dagdag pa nito.

Nauna nang sinabi ng Meralco na pag-aaralan ng kanilang mga abogado ang direktiba at iaapela nila sa ERC ang ipinataw na mula laban sa kanila.

“Tingin ko naman ito ay risonable dahil sa paglabag ho ng direktiba. Pero kapag 19 million talaga sasabihin natin, hindi talaga risonable, hindi magandang basis yun kaya nga tayo medyo acceptable na para sa atin dahil mga 300 million na, tingin ko risonable naman yun,” ani Gatchalian.

Sabi nito, dapat direktang mapunta sa konsumer ang multa ibabayad ng Meralco.

“Ang naging sistema dito yung 19 million direktang ibabayad, pero yung P70 plus million ito ay bibigay sa pinakamaliliit nating konsyumers. Kung matatandaan natin ang isang hinain ng ating mga konsyumers bakit 19 million mapupuntasa gobyerno?” ani Gatchalian.

“Eh kami nga yung naagrabyado kaya ang ginawa ng ERC para makinabang naman yng pinakamaliliit nating konsyumers, kaya naging dalawang parte ang kanilang penalty, isang 19 million at yung pinakamalaki yung almost 270 million mapupunta yung sa mga maliliit na konsyumer natin kaya makikita nila sa electricity bill nila na makakatipid sila ng almost 1.90 pesos per kWh,” saad pa nito.

The post Win sa Meralco: P300M multa bayaran, 'wag nang labanan! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/win-sa-meralco-p300m-multa-bayaran-wag-nang-labanan/)

Walang komento