Recent Posts

Breaking News

WHO: Mga gobyerno ‘wag lang maghintay ng COVID vaccine!

Imbes na maghintay sa bakuna, pinatututok ng World Health Organization ang mga gobyerno sa mundo na pagbutihin ang kani-kanilang pagtugon laban sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni WHO Western Pacific director Dr. Takeshi Kasai na bagaman positibo nga ang balita tungkol sa vaccine development, “hindi talaga matutugunan ng production capacity ang demand ng buong mundo” sakaling maging available na ang ligtas at epektibong coronavirus vaccine.

Ang importante sa ngayon, aniya, ay “patuloy na paghusayin ang ating pagtugon at hindi lang umasa para sa bakuna”.

Sa ngayon, may walo nang candidate vaccine na sisimulan o nagsasagawa na ng third phase ng kanilang clinical trial.

Sa yugtong ito, sinusubok sa libu-libong pasyente ang kaligtasan at pagiging epektibo ng dinedebelop na gamot.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/who-mga-gobyerno-wag-lang-maghintay-ng-covid-vaccine/)

Walang komento