Recent Posts

Breaking News

WHO: COVID pandemic sana masolusyunan sa 2 taon

Maganda ang pananaw ng World Health Organization na mabilis na matatapos ang COVID-19 pandemic, na mas maiksi pa kaysa sa naranasang pandemya noong 1918 sa Spanish Flu.

Ayon kay WHO chief Tedros Ghebreyesus, dalawang taon nanalasa ang Spanish flu sa buong mundo, at hiling na mas maiksi ang pandemic na dulot ng new coronavirus.

Aniya, bagama’t mas mabilis kumalat ang COVID-19, mas advanced naman aniya ang teknolohiya ngayon kaya mas madaling makahanap ng paraan para matigil ang pandemya.

“So we hope to finish this pandemic less than two years,” ayon kay Ghebreyesus.

“That is really key with utilizing the available tools to the maximum and hoping that we can have additional tools like vaccine,” aniya pa.

Sa ngayon ay lampas 22 milyon na katao na sa buong mundo ang tinamaan ng nasabing virus na nagsimula sa China.

The post WHO: COVID pandemic sana masolusyunan sa 2 taon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/who-covid-pandemic-sana-masolusyunan-sa-2-taon/)

Walang komento