Recent Posts

Breaking News

Website para sa mga COVID-19 pandemic ayuda, nilunsad

Inilunsad nitong Lunes ang Philippine Humanitarian Assistance Registry (PHAR) para sa impormasyon at mga katanungan ng publiko hinggil sa mga ayudang natatanggap ng gobyerno kaugnay ng laban sa COVID-19 pandemic.


Base sa pahayag ng DFA nitong Lunes, Agosto 24, ang pagkakaroon ng PHAR website ay alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng “transparency and accountability” sa lahat ng tulong na binibigay sa gobyerno at sa mga benepisyaryo nito.


Ayon sa DFA, magsisilbing website ng gobyerno ang PHAR para sa mga impormasyon, katanungan at proseso hinggil sa lahat ng local at foreign humanitarian assistance.


Maaari rin umanong makita sa website kung paanong ipinamamahagi at ginagamit ang mga ayuda para sa mga benepisyaryo nito.


Nabatid na kasama ng DFA ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Office of Civil Defense (OCD) sa paglulunsad ng public portal na ito para sa humanitarian assistance, ngayong Lunes, Agosto 24.


Una nang iprinisenta ng DFA sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbuo ng PHAR sa ginanap na pulong nito noong Agosto 17.


Kaugnay nito ay hinimok ang publiko na bisitahin ang PHAR website (www.phar.gov.ph) para makita ang mga infographics dito hinggil sa humanitarian assistance para sa COVID-19 pandemic at maging sa iba pang kalamidad na maaaring maganap sa hinaharap.

 

http://www.phar.gov.ph/

The post Website para sa mga COVID-19 pandemic ayuda, nilunsad first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/website-para-sa-mga-covid-19-pandemic-ayuda-nilunsad/)

Walang komento