Recent Posts

Breaking News

Walang suot na face shield, bawal sa Camp Crame

Magpapatupad ng “no face shield, no entry” sa loob ng Camp Crame sa Quezon City simula Agosto 17.

Ayon kay Headquarters Support Service chief Brig. Gen. Alexander Sampaga, mananatili sa 10PM hanggang 5AM ang curfew sa loob ng kampo maliban sa mga naka-duty na tauhan ng Philippine National Police.

Magugunitang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na makakatulong ang pagsusuot ng face shield para magkaroon ng dagdag na panangga laban sa COVID-19.

Nitong Sabado ay epektibo na ang mandatory na paggamit ng face shield sa mga pampublikong transportasyon at workplaces.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-suot-na-face-shield-bawal-sa-camp-crame/)

Walang komento