Recent Posts

Breaking News

‘Walang Sugat’ musical mapanonood hanggang bukas

Sulitin na ang panonood sa 1898 na zarzuela na “Walang Sugat”, dahil hanggang bukas na lang ito!

Tungkol ito sa bawal na pag-iibigan nina Julia at Tenyong habang nagaganap ang rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga Kastila noong 1896.

Ang Walang Sugat ay sinulat ni Severino Reyes at prinodyus ng Tanghalang Pilipino noong 2012. Una itong tinanghal sa Teatro Libertad noong 1902.

Ito na ang wakas ng mga pagdiriwang ng Department of Foreign Affairs para sa “Buwan ng Pambansang Wika” at “Buwan ng Kasaysayan” ngayong buwan ng Agosto.

Nilabas ang Walang Sugat mula hatinggabi ng Agosto 29 at mapanonood ito hanggang alas-11:59 ng gabi sa Agosto 31, 2020.

The post 'Walang Sugat' musical mapanonood hanggang bukas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-sugat-musical-mapanonood-hanggang-bukas/)

Walang komento