Recent Posts

Breaking News

Walang ‘sacred cow’ sa Senate finding vs. mga PhilHealth exec – Sotto

Wala umanong ‘sacred cow’ o palulusutin kapag nilabas na ng Senado ng ulat sa kanilang pagsisiyasat sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kahit nagsibitiwan na sa puwesto ang ilang mga opisyal nito.

Ito ang tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III kasabay na napipintong pagbitiwn ni PhilHealth President Ricardo Morales sa kanyang puwesto.

“It’s a correct move. Follow your commander in chief,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

“It’s a humanitarian way of saying: ‘You’re fired,’” sambit pa nito.

Ayon kay Sotto, nakatakdang ilabas ang report ng Senado sa imbestigasyon sa katiwalian sa PhilHealth ngayong linggong ito at tiniyak nito maraming opisyal ang matatamaan sa kanilang ibibigay na rekomendasyon.

“Tip—lahat sapul,” sabi pa ni Sotto.

Kahit aniya ang mga opisyal na nagbitiwin na sa puwesto ay hindi makakalusot dahilk sa kanilang papel sa katiwalian sa ahenisya.

“Nope, not at all. Wait for my report,” sambit pa ni Sotto.

The post Walang 'sacred cow' sa Senate finding vs. mga PhilHealth exec – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-sacred-cow-sa-senate-finding-vs-mga-philhealth-exec-sotto/)

Walang komento