Recent Posts

Breaking News

Walang gagaya kay Gadon! Locsin nasaktan kay Robredo

Nagkomento si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. sa pag-aalala ni Vice President Leni Robredo sa maling pagsuot ng face mask ni Atty. Larry Gadon.

Matatandaang binatikos ng marami ang ginawa ng abogado na dinikit lang ang face mask sa kanyang suot na face shield.

“May nakita tayong model, mali po iyon. Huwag natin susundin,” sabi ng Bise.

Nagpasalamat man ang kalihim sa concern ni Robredo, naniniwala naman ito na hindi tutularan ng mga Pinoy si Gadon.

“Ma’am, thank you for your concern but I think it is a little hurtful to suggest that anyone will believe Gadon let alone follow his example,” tweet ng kalihim, Linggo.

“I don’t think the good public deserves so low an estimation of its capacity for discernment. Just saying, ma’am,” aniya pa.

Ang tamang paggamit ng face mask ay dapat nakatakip sa mukha: sakop ang ilong, bibig, at baba.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/walang-gagaya-kay-gadon-locsin-nasaktan-kay-robredo/)

Walang komento