Recent Posts

Breaking News

Wala nang backlog sa COVID test result – DOH

Wala nang iuulat na “late cases” ang Department of Health, dahil ubos na raw ang backlog nito sa mga test result ng COVID-19.

“Our data now is real-time. Whenever it is submitted to us, we are able to validate it within 24 hours,” sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kahapon.

“We no longer have validation backlog,” aniya pa.

Dati ay may backlog sa mga resulta na bina-validate pa ng Epidemiology Bureau ng ahensiya.

Ito ay dahil maraming testing laboratory na hindi nakasusunod sa requirement na mag-submit ng line list sa tamang panahon, araw-araw.

The post Wala nang backlog sa COVID test result - DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wala-nang-backlog-sa-covid-test-result-doh11/)

Walang komento