Recent Posts

Breaking News

‘Wag paghaluin terorismo at politika! Lacson nabahala sa posibleng amnesty sa Abu Sayyaf leader

Naalarma si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa ulat na posibleng bigyan ng amnestiya ang bigating Abu Sayyaf leader na si Anduljihad Susukan, na sumuko noong Huwebes.

Ayon kay Lacson, hindi dapat umano pinaghahalo ang politika at terorismo kaugnay kay Susukan, na sangkot sa ilang terror attack patunay ang 23 warrant of arrest sa kasong murder; lima sa kasong kidnapping at serious illegal detention, at anim na frustrated murder.

“Huwag naman sana. Pag pinaghalo ang pulitika at terorismo, talo lahat tayo. Why? Politics has no logic and terrorism has no reason,” saad ni Lacson.

Si Susukan ay isinuko ni Moro National Liberation Front chairman Nur Misuari, na special economic envoy to the Organization of Islamic Cooperation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito’y may ilang tao sa militar ang nangangamba na may kasunduan sina Misuari at Susukan na posibleng mabigyan ng presidential amnesty ang nasabing terorista.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-paghaluin-terorismo-at-politika-lacson-nabahala-sa-posibleng-amnesty-sa-abu-sayyaf-leader/)

Walang komento