Recent Posts

Breaking News

Wade happy para kina LeBron, Melo

Sa first round ng West playoffs, katapat ng No. 1 Lakers ang No. 8 Portland at madalas ang matchup nina LeBron James at Carmelo Anthony.

Parehong pumasok sa NBA ang dalawa noong 2003 – top pick si James ng Cleveland, No. 3 si Anthony sa Denver. Kasabayan nila sa Draft si Dwyane Wade, fifth pick ng Miami.

Sanggang dikit ang tatlo sa kahabaan ng career.

Sa Twitter ipinagsigawan ni Wade ang excitement sa matchup ng mga tropa.

“Melo and Bron guarding each other … I love it!” tweet ni D-Wade.

Naunahan ng Trail Blazers ang Lakers 100-93. Game 2 ng best-of-seven mamaya.

Naglista ng 15 points, 10 rebounds at 5 assists si Anthony. Pamatay na 23 points, 17 rebounds at 15 assists ang kinamada ni James.

Si James ang point guard ng Lakers, toka siya ni Anthony sa magkabilang dulo ng court. Sa size, si Anthony lang ang pantapat ng Portland kay James.

Unang nagtagpo ang dalawa sa playoffs noong 2012 nang sipain nina LeBron at D-Wade ng Heat si ‘Melo at Knicks sa limang laro.

Sa season na ‘yun sinikwat ni James ang una niyang NBA title.

The post Wade happy para kina LeBron, Melo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wade-happy-para-kina-lebron-melo/)

Walang komento