Recent Posts

Breaking News

Voter registration itutuloy sa Setyembre

Muling bubuksan ang pagpaparehistro ng mga bagong botante sa September 1, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ang pagpapatuloy ng voters registration ay gagawin sa mga lugar na wala sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

Sa pahayag ng Comelec, magpapatuloy ang registration mula Lunes hanggang Sabado, alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Office of the Election Officer.

Bago magtungo ay inabisuhan ang mga magpaparehistro na mag-fillup ng form na mado-download sa kanilang website.

“But the forms should be signed only in front of the election officer, at the Comelec office,” saad ni Comelec spokesperson James Jimenez.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/voter-registration-itutuloy-sa-setyembre/)

Walang komento