Recent Posts

Breaking News

VIRAL: Kelot sinampal ang PWD

Dinuro, sinigawan, at sinampal ng isang lalaki ang isang person with disability, at nahuli ito sa camera.

Sa Facebook page na The Viral King, binahagi ang video na mula umano sa 92.9 Brigada News Cauayan City.

Lampas dalawang minutong nagtalo ang dalawa, ngunit hindi malinaw kung ano ang dahilan ng away.

Ilang beses na inawat ng nakabantay na security guard ang lalaki mula sa pananakit sa PWD. May panahon pang sinipa ng lalaki ang sinasandalang pader ng PWD.

“‘Wag ako ang babastusin mo dito ha!” bulalas pa ng nakaputing t-shirt at jeans na lalaki.

Sa huli ay napaalis din ito mula sa PWD na nakaupo sa tabi ng wheelchair.

Sa ngayon, ang FB post ay may 150K reactions, 133K comments, at 285K shares na.

The post VIRAL: Kelot sinampal ang PWD first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/viral-kelot-sinampal-ang-pwd/)

Walang komento