Recent Posts

Breaking News

Vergeire tinabla si Gadon: ‘Di ka nakakatulong!

Pinalagan ng Department of Health ang paniniwala ni Atty. Larry Gadon tungkol sa pagiging epektibo ng face mask laban sa COVID-19.

Matatandaang nag-viral ang abogado dahil sa maling pagsuot ng face mask, kung saan imbes na suotin sa mukha ay dinikit niya lamang ito sa kanyang suot na face shield.

Naniniwala siyang pwede ang face mask sa mga elevator o maliliit na kuwarto, ngunit hindi umano ito bagay gamitin sa labas. Tila nag-overreact din umano ang gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Ngayong Lunes, binanatan ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga naturang pahayag ni Gadon.

“This is not a joking matter. ‘Yung mga ganitong statement is not helping us at all,” ani Vergeire sa isang press briefing.

“Sana lahat ng tao naiintindihan nila kung ano po ang implikasyon kapag nagsasalita po sila sa public because people might be following them and this is not the right way to go. Magkakasakit po ang mga tao.”

“We seek the help of everybody in giving the accurate information to our general public,” aniya pa at nagpaalala na dapat, “accurate information” lang ang pakinggan ng madla.

Pinunto pa ni Vergeire ang resulta ng mga scientific study na kayang harangin ng face mask ang paghawa sa COVID-19 by 85 percent.

99 percent naman aniyang mapipigilan ang impeksiyon kung sasamahan ang face mask ng paggamit ng face shield at pag-obserba sa physical distancing.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vergeire-tinabla-si-gadon-di-ka-nakakatulong/)

Walang komento