Recent Posts

Breaking News

Uy nahiwa sa kamay

Nasugatan sa kamay ang Fil-Heritage lady pole vaulter na si Natalie Uy habang kalahok sa isang torneo na inaasahan na nagpatagilid sa matinding paghahanda para makahaol sa isang silya sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na itinakda na sa 2021.

Ipinaalam ng coach ni Uy na si Brad Walker ang nangyari kay Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) president Philip Ella Juico habang iniimbestigahan ang insidente.

“Minor injury pero mahihirapan siya mag-training kasi major part ang kamay sa pole vault,” anang opisyal kahapon na dinagdag na kinakailangan tahiin ang sugat na pitong ulit para matigil ang pagdurugo.

Higit na isang buwan ang inaasahang pahinga ng dalaga gumaling ang sugat.

“Parte na rin ng plano talaga na makapagpahinga siya, hanggang Setyembre. She really needs to take a break,” dugtong ni Juico.

“I think the problem was in the pole that she used. Maybe the equipment might have been passed or tossed around before Natalie used it in the competition,” wakas na dagdag ng opisyal

Kagagaling lang ni Uy sa pagkopo ng medalyang ginto sa American Track League Tournament 19-29 age group noong Hulyo 26 kung saan nito natamo ang injury.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/uy-nahiwa-sa-kamay/)

Walang komento