Recent Posts

Breaking News

UST waiver para sa Sorsogon training kumalat

Lumabas sa social media ang larawan ng dokumento kung saan nagpapatunay na may nangyaring ensayo ang UST Growling Tigers sa Sorsogon.

Sa kopya na kumakalat online, makikita na para ito kay Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) director Fr. Jannel Abogado, kung saan nakasaad na pinapayagan ng mga magulang o guardian ang pag-volunteer ng mga manlalaro para pumunta sa Sorsogon para sa training.

Nakasaad din sa waiver na walang pananagutan ang UST sa mga injury o sakit na makukuha ng player habang nasa training, ito’y kahit pa dumaranas ang bansa ng COVID-19 crisis.

Bukod pa dito, may petsa ring June 2 ang naturang waiver, panahon kung kailan hindi pa pinapayagan ang kahit anong klase ng training para sa mga atleta.

Samantala, naglabas na ng pahayag ang UST na kanilang iniimbestigahan ang pangyayari, at hindi nila kinukunsinti ang posibleng paglabag ng kanilang koponan sa guideline.

The post UST waiver para sa Sorsogon training kumalat first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ust-waiver-para-sa-sorsogon-training-kumalat/)

Walang komento