Recent Posts

Breaking News

US nag-donate ng 100 ventilator sa ‘Pinas

Nagbigay ang Amerika ng panibagong 100 ventilator sa Pilipinas kontra COVID-19 pandemic.

Itinurn-over ni US Ambassador Sung Kim ang mga ventilator kay Executive Secretary Salvador Medialdea sa Malacañang noong Biyernes.

Sabi ni Kim, ang donasyon ay bahagi ng “strong support” ng US government sa Pilipinas sa pakikipaglaban sa coronavirus.

As of August 28, kabuuan nang 209,544 ang kumpirmadong COVID-19 case sa bansa, pinakamataas pa rin sa Southeast Asia.

Sa bilang, 134,474 ang nakarekober na habang 3,325 ang namatay.

The post US nag-donate ng 100 ventilator sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-nag-donate-ng-100-ventilator-sa-pinas/)

Walang komento