Recent Posts

Breaking News

UP researcher: MGCQ sa Metro Manila malabo pa

Hindi irerekumenda ng mga researcher mula sa University of the Philippines na ilipat ang Metro Manila sa modified general community quarantine, ang pinakamaluwag sa klasipikasyon ngayong COVID-19 pandemic.

Saad ni UP-OCTA Research Team Prof. Guido David, hindi pa puwedeng paluwagin ang quarantine protocol sa Metro Manila dahil sa patuloy pang pagtaas ng kaso sa rehiyon.

“Sa ngayon, hindi pa natin mare-recommend ‘yan kasi puno pa rin ang mga hospitals natin eh. The moment na mag-MGCQ tayo baka mangyaring tulad dati noong nag-GCQ tayo,” saad ni David sa dzBB.

Saad nito, dapat ay manatili muna sa FCQ ang Metro Manila dahil hindi pa batid kung ano ang naging epekto nito sa pagkontrol ng COVID-19 curve sa bansa.

“Mabuti nang ma-retain muna natin ang GCQ at kailangan tutukan natin kung ano ang effect nito,” aniya pa.

Nitong Biyernes ay sampa na sa 209,544 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, 134,474 ang gumaling habang 3,325 naman ang nasawi.

The post UP researcher: MGCQ sa Metro Manila malabo pa first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/up-researcher-mgcq-sa-metro-manila-malabo-pa/)

Walang komento