Recent Posts

Breaking News

Unang coronavirus reinfection sa US naitala

Isang 25-anyos na lalaki mula sa Nevada ang nakumpirmang dalawang beses tinamaan ng coronavirus disease.

Ito ang kauna-unahang kaso ng reinfection sa Amerika, at ikaapat sa mundo.

Noong nakaraang linggo inulat ng mga researcher ang mga kaso ng reinfection sa isang pasyente sa Hong Kong at dalawang pasyente sa Europe.

Sa kabila nito, ayon sa report ng NBC News, ang tatlong pasyente ay mga mild case ng COVID-19 o asymptomatic.

Pero ang bagong kaso sa 25-anyos na pasyente sa Nevada ay nag-develop ng mga severe symptom sa ikalawang pagkakataon na na-infect siya ng COVID-19.

Unang nasapol ng virus ang binata kalagitnaan ng Abril pero sa loob ng sampung araw ay gumaling ang mga sintomas niya gaya ng pananakit ng ulo at ubo, at na-test na negatibo na sa virus.

Noong Mayo bumalik ang mga sintomas ng COVID-19 sa binata at sa loob lang ng isang linggo ay bumaba ang blood oxygen level niya at naospital.

Makalipas ang 48 na araw matapos niyang unang magpositibo sa coronavirus, nagpositibo siyang muli rito sa ikalawang pagkakataon.

The post Unang coronavirus reinfection sa US naitala first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/unang-coronavirus-reinfection-sa-us-naitala/)

Walang komento