Recent Posts

Breaking News

Una sa turok! Health worker ibabala sa vaccine trial

Mga health worker ang mangunguna sa pagsubok ng COVID-19 vaccine sa oras na simulan ang clinical trial sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine Foundation for Vaccination president Dr. Liza Gonzales, dapat na unahin ang mga frontliner sa naturang sakit na maturukan ng bakuna dahil sila ang mas exposed sa virus.

“‘Doon po sa mga vaccine trials, ang mga uunahin po ay yung mga at-risk. So sino po ito? Mga healthcare workers, mga frontliners at saka mga tao na na-expose sa mga taong may COVID. So ‘yun muna po ang uunahing isasama sa trial. Later on na ‘yung mga iba,” ayon kay Gonzales sa isang forum.

Aniya, posibleng sa Oktubre o Nobyembre magsimula ang clinical trial sa bansa, kung saan lalabas ang resulta bandang Marso o Mayo.

Ilan sa mga bakunang tinitingnan ng gobyerno ay ang mga dini-develop ng China at Russia, ngunit ayon kay Food and Drug Administration Center for Drug Regulation and Research director Jesusa Cirunay, sa ngayon ay wala pang naga-apply na bansa para sa vaccine trial sa Pilipinas.

The post Una sa turok! Health worker ibabala sa vaccine trial first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/una-sa-turok-health-worker-ibabala-sa-vaccine-trial/)

Walang komento