Recent Posts

Breaking News

Trillanes nagpasaring sa mga pro-Duterte

Nag-react si dating senador Antonio Trillanes IV sa pagsusulong ng pro-Duterte group sa revolutionary government o RevGov.

Nitong Sabado kinumpirma ni Philippine National Police chief Police General Archie Francisco Gamboa na nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa isang grupo ng mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa pagpupulong tungkol sa pagsusulong ng RevGov.

Sa kabila nito’y hindi raw nakadalo ang PNP chief sa August 20 meeting dahil hindi nakarating sa kanya nang personal ang kopya ng imbitasyon kundi sa Viber lang.

Pero pinagtataka ni Trillanes na mismong nagluklok kay Pangulong Rodrigo Duterte na maging presidente ang nagsusulong ngayon ng RevGov.

“The same people who pushed the corrupt, incompetent and murderous duterte in 2016 are now pushing for revgov under zombie-like duterte. WTF are these guys smoking?” tweet ni Trillanes.

Magugunitang nagbabala noon ang Pangulo na magdedeklara ng “revolutionary government” at aarestuhin ang kanyang mga kritiko dahil sa patuloy aniyang pagbanat sa kanya sa kabila na marami na siyang pinoproblema sa bansa gaya ng droga at krimen.

Kadalasang nagdedeklara ng RevGov ay mga insurgent group para mapatalsik ang kasalukuyang gobyerno.

The post Trillanes nagpasaring sa mga pro-Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-nagpasaring-sa-mga-pro-duterte/)

Walang komento