Recent Posts

Breaking News

Tricycle driver nadisgrasya sa face shield

Pinangangambahan ng isang tricycle driver na maputulan siya ng daliri matapos maaksidente dahil sa pagsusuot ng face shield sa Boracay.

Sa ulat ng reporter na si Jun Aguirre, sinabi ng biktima na lumalabo ang paningin niya kapag nakasuot ng face shield habang nagmamaneho.

Hindi niya napansin na malapit na pala ang kanyang distansiya sa kasunod na sasakyan.

Dahil dito’y bigla siyang napapreno at naipit ang daliri niya sa paa sa preno.

Nadala siya sa pinakamalapit na pagamutan ng Boracay Fire Rescue and Volunteers, Inc.

The post Tricycle driver nadisgrasya sa face shield first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tricycle-driver-nadisgrasya-sa-face-shield/)

Walang komento