Recent Posts

Breaking News

Tirador ng cake sa NBA Bubble

NABIKTIMA raw ng salisi ang New Orleans Pelicans sa Orlando bubble.

Hindi isa, kundi dalawang beses pa.

At ang sinalikwat: cakes.

Mahilig sa matamis ang kawatan?

Iniulat ng Yahoo Sports na ninenok ang birthday cake ni Pelicans center Derrick Favors.

Nagdiwang ng 29th birthday niya si Favors noong July 15, nagpapakondisyon pa lang ang teams dalawang linggo bago ang NBA restart.

Pagkatapos ng ensayo, kinantahan ng rookies ng ‘Happy Birthday’ si Favors at sinabihan ang big man na nasa meal room nila ang special treat sa kanya.

Kaya lang, nawawala na ang cake pagpasok sa kainan.

Nagkumahog ang Pelicans, umorder ng iba’t ibang cupcakes para kay Favors kinabukasan.

Pero sumalisi muli ang kawatan.

Nilimas ng salisi ang cupcakes sa ref, pero nagtira naman ng isa.

Mukhang walang CCTV o bantay sa meal room, kaya hangga ngayon ay hindi pa nadidiskubre kung sino ang sumalisi.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tirador-ng-cake-sa-nba-bubble/)

Walang komento