Recent Posts

Breaking News

TINGNAN: Job-hunting app na sakto sa mga LSI

Hanap mo ba ay trabaho na malapit lang sa tirahan mo?

May nilunsad na website ang Appscape Corp. na para sa mga Pinoy na nawalan ng hanapbuhay habang may pandemya: ang LapitJobs (lapitjobs.com).

Madidikta ng aplikante ang gusto niyang distansya para sa hahanaping trabaho.

Bukod dito, malalaman ang net pay–o ang nauuwing sahod kada tapos ng buwan, bawas ang benepisyo ng gobyerno at gastos sa transportasyon–at ang quality of life factor sa bawat kompanya.

“While other job recruitment platforms require almost ten to 20 minutes of the worker’s time before he can actually find work, ours will require basic information only, and should take up to two minutes only,” wika ni Appscape Corp. CEO at president Ralph David Du, sa isang ulat.

Nababagay ang LapitJobs para sa mga locally stranded individual o LSI, kabilang ang mga manggagawa sa loob ng Metro Manila pero nakatira sa labas ng nasabing rehiyon.

Samantala, mayroon ding nilabas ang naturang technology company na LapitTauhan (lapittauhan.com) website, na para naman sa mga employer.

Pagkatapos mag-register, may libreng 10 job ad post na ilalaan sa employer.

Bukod dito, magagamit dito nang libre ang interview module na may editable scoresheet, na pwedeng magamit kasabay ng video interview sa mga aplikante.

Ayon sa LapitJobs website, libre ang registration “forever”.

Samantala, libre rin ang registration sa LapitTauhan hanggang “matapos ang quarantine period sa Pilipinas”.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tingnan-job-hunting-app-na-sakto-sa-mga-lsi/)

Walang komento