Recent Posts

Breaking News

Tinamaan ng COVID-19, 15M na

Sa buong mundo, mayroon nang higit 15 milyong indibidwal na nahawa sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa COVID-19 Dashboard ng Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University, 15,077,182 na ang kabuuang dami ng mga kumpirmadong kaso ng nasabing sakit.

Nangunguna pa rin dito ang Amerika (3,955,860), sinundan ng Brazil (2,159,654) at India (787,846).

Samantala, 620,257 na ang tala ng mga ginupo ng COVID-19. Una pa rin ang US (142,292), pangalawa ang Brazil (81,487), at pangatlo ang United Kingdom (45,586).

Lampas walong milyong katao (8,588,757) naman ang gumaling na mula sa coronavirus: Una sa pinakamaraming bilang ang Brazil (1,579,194), kasunod ng Estados Unidos (1,210,849) at India (753,050).

Ang bilang ng mga bansa o rehiyon na apektado nitong pandemya ay nananatili pa rin sa 188.

Sa Pilipinas, 72,269 mamamayan na ang sapul sa COVID-19. Kabilang dito ang 46,803 aktibong kaso.

Samantala, 1,843 naman ang dami ng pumanaw at 23,623 nakarekober mula sa virus.

The post Tinamaan ng COVID-19, 15M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tinamaan-ng-covid-19-15m-na-2/)

Walang komento