Recent Posts

Breaking News

Thai actor kumanta ng Eraserheads song, at napangiti kami

Maraming fan ang kinilig nang marinig ang cover ni “2gether” actor Bright Vachirawit sa isang OPM classic.

Kahapon, July 31, nilabas ng ABS-CBN Star Music sa YouTube ang rendition ni Bright sa “With a Smile” ng Eraserheads. Top 6 trending na ito sa YouTube PH as of August 1.

Ito ang magiging official soundtrack ng Tagalized version ng “Still 2gether,” ang sequel ng nabanggit na Thai Boys’ Love (BL) series kung saan bumida sina Bright at si Win Metawin.

Sa Agosto 14 ipapalabas ang Still 2gether sa bansa via iWant, matapos payagan ng Thai production company GMMTV na iere ng ABS-CBN production arm Dreamscape Entertainment ang nasabing palabas ng nauna.

Dahil sumikat sa ‘Pinas ang 2gether, nagprodyus na rin ng iba pang local BL series gaya ng “Hello, Stranger” ng Black Sheep, “Boys’ Love” ni Juan Miguel Severo, at “Gameboys” ng IdeaFirst.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/thai-actor-kumanta-ng-eraserheads-song-at-napangiti-kami/)

Walang komento