Recent Posts

Breaking News

Telco tower permit nilusaw

Para maiwasan ang red tape at mapabilis ang proseso, aprubado sa bicameral committee ang probisyon sa Bayanihan 2 bill na pansamantalang isuspende ang permit para makapagpatayo ng mga cell tower ang mga telecommunications company.

Ang nasabing probisyon ay mungkahi ni Senate Minority Frank Drilon, kung saan maliban sa building permit ay hindi na kakailanganin ang iba pang mga permit para sa telco tower sa loob ng tatlong taon.

Kung magkaroon naman ng problema sa mga homeowner association, ipapatawag ang barangay council para magkasundo ang mga residente at telco company para sa tore.

Ang nasabing desisyon ng mga mambabatas ay solusyon sa mabagal na internet connection sa bansa, na higit na kinakailangan sa paglipat sa online learning at work from home setup dulot ng COVID-19 pandemic.

“With this amendment, we can address this very complex process that hinders the country from being at par with our neighboring countries in terms of internet speed and connectivity,” saad ni Drilon.

Samantala, nagpasalamat naman si Jaime Augusto Zobel de Ayala ng Globe Telecom sa pagpapadali ng requirement para sa telco tower.

“Thank you for the extraordinary addition of simplifying the permits needed for telco infrastructure into the law. I cannot tell you how important this is. A very big thank you from all of us in the industry,” mensahe ni Ayala kay Drilon.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/telco-tower-permit-nilusaw/)

Walang komento