Recent Posts

Breaking News

Tauhan, mag-aaral ng DepEd na COVID-positive halos 750 na

Halos 750 na ang kabuuang dami ng mga kawani at estudyante ng Department of Education (DepEd) na tinamaan ng coronavirus disease 2019.

Sa Facebook ngayong Lunes, nilahad ni DepEd Undersecretary Alain Pascua na 748 na ang nagpositibo sa COVID-19 as of August 18.

Kabilang dito ang 268 mag-aaral, 311 guro, at 169 non-teaching personnel.

Sa mga nabanggit na kaso, 318 ang nananatiling active case habang 408 na ang gumaling at 22 na ang pumanaw.

Ayon naman sa datos ng DepEd, ang 22 na ginupo ng COVID-19 ay binubuo ng anim na estudyante, siyam na guro, at pitong non-teaching personnel.

Sabi ni Pascua, binago ng ahensiya ang kanilang mga coronavirus protocol alinsunod sa mga bagong patakaran ng Department of Health at batay sa mga kinaharap na isyu at natutunang leksiyon mula sa initial implementation ng mga protocol.

The post Tauhan, mag-aaral ng DepEd na COVID-positive halos 750 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tauhan-mag-aaral-ng-deped-na-covid-positive-halos-750-na/)

Walang komento