Recent Posts

Breaking News

Tapang n’yo e! K Brosas sinumbong ang basher sa employer

Maganda ang araw ni komedyante K Brosas matapos malaman na aaksiyon ang employer ng isa niyang basher sa social media.

Kwento ni K sa Twitter, Miyerkoles, hindi niya sinagot ang naturang basher sa kanyang Facebook fan page, na “pinagmumura ako mula puyo hanggang talampakan at o.a sa laswa ng message”.

Sa halip, tinawagan niya ang employer dahil naka-public naman daw ang netizen at may kumpletong impormasyon.

“Sabi ko file ako kaso. Naloka! Award!” kwento ni K, may real name Maria Carmela Brosas.

Nag-update ang komedyante kinalaunan at sinabi na nag-deactivate na ang naturang basher, gayundin ang iba na nasa “line up” niya “pero buti na-save ko hihi so araw araw isa isa kayo saken. Tapang nyo eh!”

Kinabukasan, may nag-email daw kay K–hindi niya binanggit ang basher o ang employer–at sinabi na aaksiyunan ang nangyaring pag-uugali.

“Good morning! Habang nagluluto ng afritada, naka-receive ako ng e-mail na ‘we don’t tolerate that kind of behavior mam, we will take necessary action etc’. Habanaysdey,” kwento ni Brosas.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tapang-nyo-e-k-brosas-sinumbong-ang-basher-sa-employer/)

Walang komento