Recent Posts

Breaking News

Taal Volcano nagpakawala ng usok

Sa nakalipas na 24 oras, nagpakawala ng “mahinang” steam ang Bulkang Taal na umabot sa 20 metro ang taas.

Ayon din sa 8AM bulletin ng Phivolcs, Agosto 18, naitala ang limang volcanic earthquake sa parehong panahon.

Pinaalala ng Phivolcs na nakaangat ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan.

Ibig sabihin nito, dahil nasa abnormal condition ang bulkan, bawal ang pagpasok sa 4-kilometro radius Permanent Danger Zone at dapat bantayan ang Extended Danger Zone dahil sa posibilidad ng biglaang hazardous phreatic eruptions.

Gayundin ang paglipad ng mga piloto malapit sa bunganga ng bulkan dahil maaaring makasira sa mga sasakyang panghimpapawid ang abo mula rito.

Bukod sa Bulkang Taal, nananatili rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon, Bulkang Kanlaon, at Bulkang Bulusan.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taal-volcano-nagpakawala-ng-usok/)

Walang komento