Recent Posts

Breaking News

System error nagdulot ng aberya sa COVID bulletin – DOH

Umaga pa lang nitong Lunes, Agosto 10, ay nag-anunsyo na ang Department of Health (DOH) na magkakaroon ng pagkaantala sa paglalabas ng COVID-19 bulletin dahil sa hindi inaasahang aberya ng kanilang sistema.

Sa public announcement na inilabas ng DOH sa kanilang official Facebook page, sinabi ng kagawaran na alas-otso pa ng gabi ilalabas ang COVID-19 bulletin nila na kadalasang ginagawa ng alas-kuwatro ng hapon araw-araw.

“This is due to an unexpected system error that caused the non-inclusion of new cases in the COVIDKAYA-extracted database.

Ayon sa DOH, naayos na rin nila ang aberya subalit kinakailangan pa ng karagdagang oras para sa pagpoproseso ng mga datos sa COVID-19.

Kanila na rin umanong sinisiyasat ang dahilan ng system error at gagawan ng kaukulang aksyon para maiwasang mangyari uli sa hinaharap.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/system-error-nagdulot-ng-aberya-sa-covid-bulletin-doh/)

Walang komento