Recent Posts

Breaking News

SWS: 79% ng Pinoy lumubha ang pamumuhay

Ayon sa isang Social Weather Stations (SWS) survey, maraming Pilipino ang naniniwalang lumala ang lagay ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.

Sinagot ng 1,555 mamamayan sa National Mobile Phone Survey ng SWS noong Hulyo 3-6, 2020 ang tanong na:

“Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay MAS MABUTI KAYSA NOON, KAPAREHO NG DATI, o MAS MASAMA KAYSA NOON?”

79 porsiyento ang nagsabi na mas masama ang uri ng pamumuhay nila, pangalawang pinakamataas na datos mula sa record-high na 83 porsiyento noong Mayo 2020.

12 porsiyento naman ang nagsabi na hindi nagbago, at 8 porsiyento lang ang nagsabi na mas mabuti ang lagay ng buhay nila.

Pinakamaraming nagsabi na lumubha ang buhay nila sa mga pamilyang nakaranas ng involuntary hunger, sa mga nakatanggap ng ayuda mula sa gobyerno, at sa mga junior high school graduate kabilang ang mga nagtapos sa vocational education.

Ayon sa SWS, sinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviews sa buong bansa.

Nilabas ang resulta ng survey nito lang Huwebes, Agosto 13.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sws-79-ng-pinoy-lumubha-ang-pamumuhay/)

Walang komento