Recent Posts

Breaking News

Swab test required sa mga COVID close contact sa Navotas

Mandatory na sa Navotas ang pagsailalim ng lahat ng mga close contact ng mga coronavirus-positive individual sa quarantine at swab test.

Ang mga tinuturing na close contact ay ang mga kasama sa bahay ng isang COVID-19 patient.

Kapag nalamang nahawa sa virus, required ang mga pasyente na lumipat sa mga isolation facility ng lungsod.

Nakasaad ito sa Executive Order No. 042 na pinirmahan ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

Ginawa ang desisyon matapos makatanggap ang lokal na gobyerno ng mga ulat na ayaw magpa-test ng ilang close contact at patuloy sa paglabas sa bahay.

Meron din umanong mga confirmed COVID-19 patient na tinatakasan ang staff na magdadala sa kanila sa mga isolation facility.

“It is imperative that we timely trace, test and quarantine close contacts of COVID-19 positive individuals to prevent the transmission of the virus during its incubation period,” sabi ni Tiangco sa isang press release, Miyerkoles.

“However, there were reports of close contacts who gave false information, deliberately misleading the contact tracing team and slowing down the efforts of the city government. We need to take a firm stand and enforce a stricter system in handling these cases,” aniya pa.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/swab-test-required-sa-mga-covid-close-contact-sa-navotas/)

Walang komento